‘Di problema kay Viloria ang edad, tatalunin si Gonzalez

MANILA, Philippines – Anim na taon ang tanda ni dating world champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria kay Nicaraguan Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez.

At marami ang pesimistiko sa magiging tsansa ng 34-anyos na si Viloria sa kanyang paghahamon sa 28-anyos na si Gonzalez sa Oktubre 17 sa Madison Square Garden sa New York City.

“I know I have more left in the tank. Some people might say I’m a step slower and everyone has a right to their opinion. I know myself, though, I know what I can and can’t do. We’ll see,” ani Viloria.

Hangad ni Viloria (36-4-0, 22 KOs) na maagaw kay Gonzalez (43-0-0, 37 KOs) ang hawak nitong World Boxing Council flyweight.

Magsasanay si Viloria sa ilalim nina Hall of Fame trainer Freddie Roach at Filipino assistant Marvin Somodio sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood.

Kumpiyansa si Viloria na makakamit niya ang ma­gandang porma para masikwat ang WBC crown ni Gonzalez.

“I have to take it one day at a time, one training step at a time to get myself 100 percent ready. Then, with all that training, everything will take of itself.” sabi ni Viloria.

Bilang paghahanda ay ilang fight tapes ng Nica­raguan champion ang pinanood ni Viloria.

“I’ve looked at tapes of him. I really didn’t see anything I haven’t seen before,” sabi ni Viloria kay Gonzalez. “I think he is. I don’t think he’s ever been tested the way I’ll test him in October.”

Puntirya ni Viloria na maidagdag ang WBC flyweight title ni Gonzalez sa mga dati niyang hinawakang WBA at WBO flyweight belts.

Show comments