Black Mamba 3x3 bibitawan sa September 8

MANILA, Philippines – Didribol ang kauna-una­hang Black Mamba 3x3 basketball tournament sa Setyembre 8 sa Quezon City para sa una sa 16-city leg tour sa National Capital Region (NCR).

Ipaparada ng 30 teams ang mga players na may edad na 16-anyos pataas, kasama rito ang mga dating pro­fessional cagers.

Ang torneo, ilulunsad ka­sabay ng Black Mamba energy drink sa local mar­ket, ay idaraos tuwing Sa­bado at Linggo.

Magtatapos ang elimi­na­tion round sa Nobyembre 8, habang ang grand finals ay nakatakda sa Nob­yembre 15 sa Harrison Plaza.

“As we all know, 3x3 bas­ketball is a fast rising tour­nament that has been worldwide now. Kasi lagi na lang puro 5-on-5 especially sa mga barangays. So we deemed it best to develop and promote 3x3 basketball naman,” sabi kahapon ni Black Mamba advertising consultant Joel Salindong sa PSA Forum.

Show comments