Mga miyembro ng Gilas papangalanan ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa kawalan ng mga interesadong pla­yers ay posibleng ang mga su­mama sa workout noong na­karaang Miyerkules ang pa­pangalanan ni head coach Tab Baldwin para sa Gilas Pilipinas.

Pormal na ihahayag nga­yon ng Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas ang mga miyembro ng Gilas Pi­lipinas pool kasunod ang kanilang unang opisyal na team practice sa Meralco Gym.

Sasabak ang Natio­nals ni Baldwin sa 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 na si­yang qualifying tournament para sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Bra­­zil.

Ang 16 hanggang 20 pla­yers na papangalanan para sa ‘working pool’ ay ba­banderahan ni 6-foot-11 naturalized player Andray Blatche.

Ang mga sumalang sa work­out na ipinatawag ni Baldwin noong nakaraang Mi­yerkules ay sina Jay­son Castro, Ranidel De Ocampo at Matt Ganuelas-Rosser ng Talk ‘N Text, Ga­ry David ng Meralco, one-time PBA Most Valua­ble Player Asi Taulava at Aldrech Ramos ng NLEX, Glo­balport scoring guard Terrence Romeo, Barako Bull big guard JC Intal, Sonny Thoss at Don­don Hon­tiveros ng Alas­ka at si Natio­nal University star Jeth Troy Rosa­rio.

Nauna nang tumanggi si back-to-back PBA MVP June Mar Fajardo ng San Miguel na sumama sa Gi­las Pilipinas dahil sa kanyang foot injury.

Maliban kay Fajardo, hindi rin maglalaro para sa Gilas Pilipinas sina LA Te­norio at Japeth Aguilar ng Ginebra dahil sa problema sa kalusugan, ha­bang nasa ibang bansa naman sina Marc Pingris ng Star at Marcio Lassiter ng San Miguel.

Ang maghahari sa 2015 FIBA Asia Championships ang kakatawan sa Asya sa 2016 Rio Olympics.

Ang second at third pla­cers ay iimbitahan namang maglaro sa Olympic quali­fying tournament kasama ang mga fi­nishers mula sa Africa, Europe, Oceania at Americas.

Nakuha ng Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes ang silver medal noong 2013 FIBA Asia Championship para makalaro sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Show comments