Pacquiao susuportahan ang Pacman Mindanao Aguilas sa ABL

MANILA, Philippines – Ang darating na kampanya ng bansa sa FIBA Asia Men’s Championship at ang mga plano at prog­rama ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang tatalakayin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Sha­key’s Malate.

Ilalahad ni SBP Executive Director Sonny Barrios ang ginagawang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa Olympic qualifying tournament na nakatakda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsha, China.

Bubuksan din ni Barrios ang usapin ukol sa pagbi-bid ng bansa para sa 2019 FIBA World Cup pati na ang pagsabak sa FIBA 3x3 Manila Masters sa Agosto 1 at 2 sa Robinson’s Place sa Ermita.

Bibisita rin sina tennis national team coach Roland Kraut at Clementine Apacible at ang Adamson Lady Falcons.

Show comments