Haywood at Miller dinala ng Cavs sa Trail Blazers

Mike Miller

CLEVELAND – Dinala ng Cavaliers sina Brendan Haywood at Mike Miller sa Portland Trail Blazers para makuha ang pinagsamang $13 million-plus sa trade exceptions, pagbubunyag ng league sources sa Yahoo Sports.

Magkakaroon ang Ca­valiers ng dalawang magkahiwalay na trade exceptions – ang $10.5 milyon at ang $2.85 milyon.

Magagamit ng Cavaliers ang isang trade exception para makakuha ng player.

Makakasama ang na­tu­rang kontrata ng player sa salary cap, ngunit hindi ito ma­kakaapekto sa luxury tax payments.

Ang pakikipagkasundo sa Trail Blazers ang nag­resulta sa pagkatipid ng Cavaliers ng halos $10 mil­yon sa salary antluxury tax payments.

Si Haywood ay may non-guaranteed $10.5 million contract na maaaring bi­tawan ng Blazers na hindi sila maglalabas ng pera.

May $2.85 millyon pa si Miller para sa kanyang final year ng kontrata niya.

Sinasabing itutulak ni Mil­ler ang buyout sa kanyang kontrata sa Blazers pa­ra maging isang free agent.

Umabot na sa higit $100 milyon ang payroll ng Cleveland at hindi pa ka­­sama rito ang pakikipagka­sundo kay restricted free agent Tristan Thompson, ma­aaring tumanggap ng $13 milyon bawat taon.

Bilang bahagi ng kasun­duan ay makukuha ng Bla­zers ang second-round picks ng Cavaliers mula sa Los Angeles Lakers at Minnesota Timberwolves bukod pa sa 2020 second-round pick ng Cleveland.

Ang 35-anyos na si Mil­ler ay nagtala ng ave­ra­ge na 2.1 points para sa Ca­valiers sa nakaraang 2014-15 season.

Sa kanyang 15 NBA sea­sons, nagposte si Miller ng average na 11 points.

Show comments