Hinirang na BWC National Champions Rivera, Del Rosario bibiyahe sa Vegas
(Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Dalawang may edad ngunit mahuhusay pa ring bowlers na sina Biboy Rivera at Liza del Rosario ang itinanghal na kampeon sa World Cup national championship na ginawa noong Huwebes sa SM North Edsa.

Ang 41-anyos na si Rivera ay nag-init sa una at ikatlong laro para talunin ang dating Asian Youth Masters champion na si Kenneth Chua, 235-179, 194-199, 266-205, sa ka­lalakihan habang ang 37-anyos na si Del Rosario ay nanaig kay Alexis Suy, 238-215, 187-213, 245-197, sa kababaihan.

Ang malawak na karanasan nina Rivera at Del Rosario ay lumabas para makitaan ng tibay ng pulso sa ikatlong game upang makuha rin ang karapatan na maglaro uli sa BWC inter­national finals sa ikalawang sunod na taon.

Ang international finals ay gagawin mula Nobyembre 13 hanggang 20 sa Sam’s Town sa Las Vegas, Nevada at target nina Rivera at Del Rosario ang mahigitan ang pang-apat na pagtatapos na kanilang naitala noong nakaraang taon sa Wroclaw, Poland.

Pumangalawa kay  Chua (7498)) matapos ang 8-game position round, pinagpahinga muna ni Rivera (7280) si Benshir Layoso, (180-162, 181-256, 235-202) habang si Del Rosario na pumangatlo sa kababaihan (5747) ay sinilat ang number two seed Krizziah  Tabora (195-165, 193-191).

Apat  na Filipino bowlers pa lamang ang nananalo sa World Cup at nangu­nguna rito si Paeng Nepomuceno na bukod-tanging manlalaro sa mundo na nakaapat na titulo.

Ang iba pa ay sina CJ Suarez sa kalalakihan at sina Lita dela Rosa at Bong Coo sa kababaihan.

Sumali rin si Nepomuceno sa kompetisyon pero tumapos siya sa ikalimang puwesto sa 6751 marka.

ACIRC ALEXIS SUY ANG ASIAN YOUTH MASTERS BENSHIR LAYOSO BIBOY RIVERA BONG COO DEL ROSARIO KENNETH CHUA RIVERA WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with