D-day
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2015 - 10:00am

Nagpasiklab sina Donnie Nietes, Nonito Donaire at Albert Pagara sa mga fans nila sa Araneta Coliseum nung Sabado ng gabi.

Knockout lahat ang kalaban.

At dahil dito, masayang umuwi ang mga nanood, kasama ang mga nagbayad ng malaking halaga para sa tickets.

Ang pinakamalapit na upuan sa ring ay nagkakahalaga ng P15,000.

At ilan sa mga nasulyapan nating nanonood ay si Manila Mayor Erap, ang dating pangulo. Sa kabilang side naman ng ring nakaupo ay ang best friend niyang si Chavit Singson.

Nandun din sina James Yap and Mark Pingris. Ma­gaganda rin at ubod ng sexy ang mga round girls. Hiyawan ang fans sa tuwing akyat nila sa ring.

Happy naman lahat dahil sa performance ng mga boxers natin.

Nagtagal ng kaunti si Nietes bago niya napabagsak si Gilberto Parra ng Mexico. Tumumba sa eighth round at matapos ang ninth round ay umayaw.

Pati ang coliseum ay nayanig sa lakas ng right straight na pinatama ni Nietes kay Parra sa ninth round.

Malaking hiwa sa kaliwang kilay ang dinulot nito.

Gigil na gigil naman si Donaire na patumbahin si William Prado ng Brazil. Hindi natapos ang second round at itinigil ng referee ang laban.

Sayang lang at mina­dali ni Donaire. Nag-enjoy pa sana ang mga fans niya.

Nangayaw din si Fofo Hernandez ng Mexico kay Pagara pagkatapos ng fourth round.

D-Day ang pinangalan ng ALA Promotions sa gabing ito. At bumagay naman dahil umulan ng knockout.

Para kay Donnie at Donaire sana ang D-Day.

Okay na rin na ang kinalabasan ay Demolition Day.

ACIRC ALBERT PAGARA ANG ARANETA COLISEUM CHAVIT SINGSON D-DAY DEMOLITION DAY DONAIRE DONNIE NIETES FOFO HERNANDEZ GILBERTO PARRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with