Nietes, Donaire tiniyak ang tagumpay
ATan (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagkakamali ang mga bisitang boksingero kung iniisip nilang matatalo nila ang mga pambato ng bansa sa gaganaping Pinoy Pride 30 bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ipinagdiinan nina Donnie Nietes at Nonito Donaire sa pulong pam­balitaan kaha­pon ng Pinoy Pride 30 sa Solaire Resort and Casino.

Kalaban ni Nietes si  Gilberto Parra ng Mexico habang kasukatan ni Donaire si William Prado ng Brazil.

“Talagang pinag-aralan namin ang ikinikilos niya. Ilang buwan na akong nag­sasanay at sa araw ng laban ay handang-handa na ako,” wika ni Nietes na idedepensa ang hawak na WBO World Jr. flyweight title.

Dumalo rin si Parra sa pagtitipon at inihayag uli ang paniniwalang mananalo sa laban dahil pag­titiyagaan niya ang bawat rounds na kanilang pagla­labanan.

“Makikita natin iyan sa araw ng laban,” ani Nietes na hindi pa natatalo sa mga Mexican boxers.

Sa kabilang banda, gusto ni Donaire ang kum­binsidong panalo para makabawi matapos ang sixth round knockout na tinanggap kay Nicholas Walters ng Jamaica. Ito ang ikatlong kabiguan sa ring ni Donaire pero una niyang KOs para mahubad din ang WBA World super featherweight title.

Dahil dito ay napagtan­to niya na sumobra ang bilis ng kanyang pag-akyat kaya magsisimula uli siya sa ibaba hanggang sa makatikim uli ng world title.

“I was never  haunted by that knockout loss. All I need is to get better because there is another fight to look forward to,” wika ni Donaire

Hindi niya minamaliit ang kakayahan ni Prado lalo pa’t determinado ito na patikimin ng ikalawang sunod na kabiguan ang 5-time world champion na si Donaire.

“I know this is going to be a tough fight but I found the key to rise again. A lot of question were rai­sed after my loss if I still have it. Tomorrow, you will know the answer,” ani pa ni Donaire na bumalik sa super bantamweight division at paglalabanan nila ni Prado ang bakanteng WBC NABF title.

ALL I DONAIRE DONNIE NIETES GILBERTO PARRA NICHOLAS WALTERS NIETES PINOY PRIDE SHY
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with