_ngayon
^

Si Mommy D at Mayweather

AMBETHABOL - Maribeth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2015 - 12:00am

Kung mayroon mang excited sa laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., ito ay si Mommy Dionisia, ang butihin at makulay na ina ni Pacman.

Ngayon pa lamang ay inaasahan na natin na pa­nay ang panalangin at novena ni Mommy D upang kasihan ng Maykapal si Pacman. 

Bagama’t nagkaroon noon ng tampuhan ang mag-ina, nakita natin na todo pa rin ang suporta ni Mommy D sa kanyang anak.

Hindi ba’t  isa rin  sa dahilan ng pagtanggi ni Floyd na labanan si  Pacquiao noon ay si Mommy  D. 

Ang sabi ni Mayweather ay “mangkukulam” raw itong si  Mommy D at ayaw niya  na masaktan lamang.  Kaya nga ang gusto ni Mayweather ay huwag manood si Mommy D sa laban nila ni Pacquiao.

Matupad naman kaya ang kahilingang ito ni May­wea­ther?

Tingnan na lang natin sa Mayo 2.

***

Todo kayod agad ang Filipino boxing superstar na si Pacquiao sa laban nila ni Mayweather. At si­yempre pa, alam natin na hindi umurong kailanman si Manny sa laban kaya’t wala rin siyang hangad na matalo rito.

Bagama’t mahaba ang reach advantage at mas matangkad si Mayweather,  inaasahan na pagaganahin ni Pacquiao ang kanyang bilis sa laban.

Ngayon pa lamang ay hinihiling na ni Pacquiao ang suporta at panalangin ng Sambayanang Pilipino. 

Sabi nga niya, hindi niya lalabanan si Mayweather para sa kanyang sarili o sa kanyang pamilya, kundi dahil sa karangalan ng bansa.

Kaya ngayon pa lamang ay ibigay na natin ang todo-suporta kay Pacquiao.

BAGAMA FLOYD MAYWEATHER JR. KAYA MAYWEATHER MOMMY D MOMMY DIONISIA PACQUIAO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with