Pacquiao gagamitan si Mayweather ng left and right combination

MANILA, Philippines - Binigyan ni Manny Pac­­quiao ng instruction ang kanyang mga Kia pla­yers sa kanilang dugout sa kanilang paghahanda laban sa Talk ‘ N Text kaha­pon sa Big Dome.

Umupo si Pacquiao, ang playing-coach at nakasuot ng red-and-white Kia uniform, sa isang cushion para sagutin ang mga kata­nungan ng press.

Ang mga tanong ay hindi tungkol sa basketball game. Ito ay ukol sa kanilang laban ni Floyd Mayweather Jr.

Tinanong si Pacquiao tungkol sa kanyang game plan para sa kanilang showdown ng undefeated American.

“Just use my left and right,” sagot nito.

Maaaring masaktan ni Pacquiao, ang tanging boxer sa kasaysayan na nagkampeon sa walong magkakaibang weight classes, ang kanyang kalaban ng kanyang kaliwa o kanang  kamay.

Sa May 2, maglalaban sina Pacquiao at Mayweather para sa pinakama­laking laban sa kasaysayan ng boxing.

Tinanong si Pacquiao kung makikipagsabayan sa kanya si Mayweather.

“Hindi natin alam. Pwedeng hindi. Pero pwede rin,” sabi ng 36-anyos na si Pacquiao. (Abac Cordero)

 

 

Show comments