INDIANAPOLIS--Tumipa si Rodney Stuckey ng 30 points para tulungan ang Pacers sa 104-98 paggiba sa NBA-leading na Golden State Warriors.
Naglaro ang Warriors na wala si star guard Stephen Curry sa unang pagkakataon ngayong season dahil sa kanyang right ankle injury.
Bagamat nagkaroon ng left ankle sprain sa kanilang panalo sa Philadelphia noong Biyernes, umiskor si Stuckey ng isang cutting layup mula sa pasa ni David West para ibigay sa Pacers ang 91-90 abante sa huling 3:58 minuto sa laro.
Nagdagdag si C.J. Miles ng 13 points, kasama ang 3-pointer sa natitirang 26.5 segundo para ibigay sa Indiana ang 101-97 bentahe.
Naglista naman si Klay Thompson ng 39 points para pangunahan ang Golden State kasunod ang 14 ni Andre Iguodala.
Sa Dallas, humugot si Monta Ellis ng 15 sa kanyang 23 points sa fourth quarter at kumolekta si Amare Stoudemire ng 14 points sa loob ng 11 minuto para sa kanyang Dallas debut para talunin ng Mavericks ang Charlotte Hornets, 92-81.
Ito ang unang paglalaro ni Stoudemire matapos noong Pebrero 11.
Kinuha siya ng Dallas sa All-Star break matapos bayaran ng New York Knicks ang kanyang kontrata.
Sa Oklahoma City, nagposte si Russell Westbrook ng 21 points at career-high 17 assists para banderahan ang Thunder sa 119-94 panalo laban sa Denver Nuggets.