Mayweather napikon sa tanong tungkol kay Pacquiao

MANILA, Philippines – Nainis si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. sa isang reporter nang tanungin siya tungkol sa laban nila ni Manny Pacquiao.

Ayon sa ulat ng New York Daily News, nasa courtside ng 2015 NBA All-Star Weekend sa Barclays Center sa Brooklyn, New York si Mayweather nang lapitan at tanungin ng hindi pinangalanang reporter.

"Can I ask you a question?" wika ng boksingero sa reporter base sa ulat ni Mitch Abramson.

"Please, can I ask you a question? Is this a boxing match? Are we at a boxing match? No, this is the All-Star game. I'm at an All-Star event. Please respect my privacy. I don't want to answer any questions," sagot ni Mayweather.

Wala pa ring katiyakan ang nilulutong laban sa pagitan ni Mayweather at Pacquiao. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang negosasyon ng dalawang kampo.

Kanina ay pinabulaanan ni Mayweather ang ulat na kasado na ang kanilang bakbakan ni eight-division champion Pacquiao.

“That's not true. I haven't signed yet. He hasn't signed yet. That’s all speculations and rumors,” sagot ng kalmadong Mayweather sa telebisyon.

Nalalapit na ang buwan ng Mayo kung saan sinabi ni Mayweather na ito ang magandang panahon upang magharap sila ni Pacquiao.

Hangga't wala pang kontratang napipirmahan, nananatiling pangarap pa rin ng mundo ng boksing ang sagupaang Pacquiao-Mayweather.

Show comments