Wiggins humataw sa World team

NEW YORK – Nagsal­pak si Andrew Wiggins ng 22 points sa 121-112 pagsagasa ng World team laban sa U.S. sa Rising Stars Challenge ng NBA All-Star weekend.

Dahil sa kanyang ka­ba­yanihan ay hinirang si Wiggins, ang No. 1 pick mula sa Canada na kinuha ng Minnesota Timberwolves, bilang Most Valuable Pla­yer ng laro.

Ito ang bagong format para sa opening game ng All-Star weekend na orihinal na ginawa para sa laro ng mga rookies na ginawang rookies kontra sa second-year players at ngayon ay pinalitan ng world laban sa U.S. pla­yers.

Sina Victor Oladipo ng Orlando Magic at Zach LaVine ng Timberwolves ay naglista ng tig-22 points sa panig ng U.S. team sa laro sa pagitan ng mga rookies at second-year players.

Show comments