Laro Bukas
(Biñan, Laguna)
3 p.m. Blackwater
vs Talk ‘N Text
5:15 p.m. Ginebra
vs Barako Bull
MANILA, Philippines - Sa pagiging pinakamataas na import sa torneo, hindi naging madali para sa Meralco na kontrolin si 7-foot-4 Kia import PJ Ramos.
Nilimita ng Bolts ang dating miyembro ng Puerto Rican national team sa 4 puntos sa fourth quarter para resbakan ang Carnival, 90-80, at sikwatin ang liderato ng 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“It’s impossible to stop PJ Ramos in the paint. He’s huge. He’s a big guy,” sabi ni coach Norman Black kay Ramos na halinhinang dinepensahan nina Reynel Hugnatan at John Ferriols.
Kumamada si Gary David ng 25 points para pamunuan ang ikalawang sunod na panalo ng Meralco kasunod ang 19 markers ni import Josh Davis, nanakawan ng cell phone habang nagpapakuha ng litrato sa kanilang mga fans matapos ang 85-74 panalo sa Ginebra noong Martes.
Naghulog ang Bolts ng 16-8 bomba sa gitna ng fourth quarter para ibaon ang Carnival sa 83-74 sa huling 1:47 minuto nto.
Nauna nang naglista ang Kia, muling ginabayan ni assistant coach Chito Victolero habang nasa United States pa si playing coach Manny Pacquiao, ng 25-14 kalamangan sa second quarter.
Tumapos si Ramos na may game-high na 34 points para muling banderahan ang Carnival, natikman ang kanilang ikalawang sunod na kamalasan.
Kasalukuyan pang naglalaban ang Purefoods Hotshots at Globalport Batang Pier habang sinusulat ito.
Meralco 90 - David 25, Davis 19, Reyes 16, Anthony 6, Ildefonso 6, Hugnatan 6, Hodge 4, Wilson 4, Ferriols 4, Atkins 0, Cortez 0, Buenafe 0, Sena 0.
Kia 80 - Ramos 34, Buensuceso 11, Poligrates 6, Webb 6, Cawaling 5, Yee 5, Pascual 4, Ighalo 4, Revilla 3, Burtscher 2, Thiele 0, Padilla 0.
Quarterscores: 12-18; 36-38; 62-56; 90-80.