Clippers sinilat ang Nuggets

LOS ANGELES – Humugot si Jamal Crawford ng 21 sa kanyang 23 points sa fourth quarter para tulungan ang Los Angeles Clippers sa 102-98 panalo laban sa Denver Nuggets.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Clippers.

Nagdagdag si Matt Barnes ng 18 points, habang nagposte si Blake Griffin ng 14 points, 9 rebounds at 10 assists at may 15 points si Chris Paul .

Si Crawford ang umiskor sa huling 5 puntos ng Los Angeles at may nakumpletong posesyon na nagresulta ng kanilang basket at resbakan ang Denver na nagtayo ng 16-point lead.

Sa pagitan ng mga timeouts ay palagiang sinasabi ni Crawford sa kanyang mga teammates na mananalo sila sa Nuggets.

Pinamunuan naman ni Ty Lawson ang Denver sa kanyang 19 points at 11 assists, habang may 18 points si Arron Afflalo.

Humakot si Wilson Chandler ng 18 points at 10 rebounds at may 10 boards si Jusuf Nurkic sa pang-pitong sunod na kamalasan ng Nuggets.

Sa iba pang laro, na­nalo ang Memphis sa Orlando, 103-94; Boston sa Utah, 99-90; Oklahoma sa Minnesota, 92-84 at New Orleans sa Philadelphia, 99-74.

Show comments