Roach umaasang matutuloy ang Pacquiao-Mayweather fight

MANILA, Philippines – Umaasa si chief trainer Freddie Roach na matutuloy ang super fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. ngayong taon.

Ito’y ayon kay Roach, ay dahil sa limitasyon ng mga pagpipiliang labanan ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao sakaling muling bumagsak ang negosasyon para sa kanilang laban ng American world five-division titlist na si Mayweather.

“If it doesn’t happen, I think it will be disappointing to the whole world,” wika ni Roach sa Pacquiao-Mayweather mega showdown na halos limang taon nang pinipilit maitakda.

Sinasabing nagpapatuloy ang pag-uusap nina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Les Moonves ng CBS, ang parent company ng Showtime network kung saan may exclusive contract si Mayweather.

Para matuloy ang banggaan nina Pacquiao at Mayweather ay kailangang magkasundo ang HBO at Showtime.

Show comments