Hapee, Cagayan asam ang Final Four

MANILA, Philippines – Lalapit pa ang Hapee Fresh Fighters at ang Cagayan Valley Rising Suns sa hanap na puwesto sa Final Four, habang palalakasin ng Jumbo Plastic Giants ang paghahabol sa insentibo sa quarterfinals sa pagsisimula ng aksyon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa 2015 ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ang ika-siyam na sunod na panalo ang nakataya sa Fresh Fighters sa pagbangga sa Racal Motors Alibaba sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang tagisan ng Rising Suns at AMA University Titans sa alas-12 ng tanghali.

Ang dalawang mangungunang koponan matapos ang single-elimination round ay didiretso sa semifinals, habang ang sumunod na apat na koponan ang magta­tagisan sa quarterfinals.

Show comments