Semis ipipinta ng Painters vs Kings

MANILA, Philippines – Kasalukuyang sumasakay sa isang six-game winning streak ang Elasto Painters at ang bagong pinakamainit na koponan ngayon sa eliminasyon ng 2014-’15 PBA Philippine Cup.

Ngunit mababalewala ito kapag natalo sila sa Gin Kings.

“We’re on a six-game winning streak, but that streak will be worthless if we lose on Sunday,” sabi ni head coach Yeng Guiao sa pagharap ng kanyang Rain or Shine sa Ginebra nga­yong alas-5:15 ng hapon.

Inaasahang hindi mag­papapigil ang Elasto Pain­ters sa Gin Kings sa hangad nilang pagsungkit sa isa sa dalawang automatic semifinals berth.

Magkasosyo sa liderato ang Rain or Shine at San Miguel sa magkatulad nilang 8-2 record kasunod ang Talk ‘N Text (8-3), Alaska (8-3), Ginebra (6-4), nagdedepensang Purefoods (5-5), Globalport (5-5), Meralco (5-5), Barako Bull (4-6), NLEX (3-7) at mga sibak nang Kia (1-9) at Blackwater (0-10).

Nanggaling ang Gin Kings sa 101-92 panalo laban sa Aces noong Dis­yembre 2 para pagandahin ang kanilang posisyon sa quarterfinals.

“We wanted to make sure we secure, or have a good chance of securing the top four after the top two, so we’re just happy with the way the guys played,” sabi ni coach Jeffrey Cariaso sa Ginebra.

Kung matatalo ang Elasto Painters sa Gin Kings ay maaagaw ng Tropang Texters, iniskoran ang Beermen, 107-101, noong Biyernes, ang isa sa dalawang outright semis ticket sa bisa ng quotient tiebreak system.

“We’ll cheer for the team that can get us there,” sabi ni Talk ‘N Text mentor Jong Uichico

Sa unang laro sa alas-3 ng hapon ay kukuha ng magandang puwesto ang Road Warriors sa quarterfinals sa pagharap sa Sorento ni playing coach Manny Pacquiao.

Show comments