Lady Troopers nakapuwesto na sa Finals
ATan (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Naisantabi uli ng Army Lady Troopers ang matin­ding hamon ng Cagayan Valley Lady Rising Suns sa 25-22, 26-24, 26-28, 23-25, 15-13, panalo at manatiling walang dungis ang karta sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Dindin Santiago ay may 16 kills at tatlong aces tungo sa 20 puntos at nakatulong niya sa fifth set sina Jovelyn Gonzaga at Nerissa Bautista para maipagpag ang matikas na laro ng Lady Rising Suns.

Ang crosscourt hit ni Gonzaga ang bumasag sa huling tabla sa 13-all bago gumawa siya ng mahalagang dig na nagresulta sa pampanalong tip ng beteranang si Bautista tungo sa panalo.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng Army para kunin na ang unang puwesto sa Finals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may suporta pa ng Accel at Mikasa.

Si Gonzaga ay may 13 hits at siyam na digs habang si Bautista ay may 18 hits, tampok ang 14 kills.

Maganda rin ang hugot kay Carmina Aganon sa second set dahil tumapos siya taglay  ang 16 puntos habang ang setter na si Tina Salak ay mayroong 13 puntos at 42 excellent sets.

Ang mga Thai imports na sina Amporn Hyapha at Patcharee Saengmuang ay nagpakawala ng tig-22 hits, at nagtabla sa 38 sa 66 kills ng Lady Rising Suns na  nakasalo ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa ikalawa at ikatlong puwesto sa 2-2 baraha.

 

AMPORN HYAPHA ARMY LADY TROOPERS BAUTISTA CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS CARMINA AGANON HOME TELPAD TURBO BOOSTERS JOVELYN GONZAGA LADY RISING SUNS NERISSA BAUTISTA PATCHAREE SAENGMUANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with