Phl Azkals lalabanan ang Malaysia at Nepal sa mga friendly matches

MANILA, Philippines - Matapos mabigo sa fi­nals ng nakaraang 2014 PFF Peace Cup ay magbabalik sa aksyon ang Philippine Azkals sa paglalaro ng mga friendlies laban sa mga national teams ng Ma­laysia at Nepal.

Haharapin ng Azkals ang regular opponent na Ma­laysia Tigers sa Oktubre 11 sa Shah Alam sa Se­langor.

Matapos ito ay lalaba­nan naman ng koponan ang Nepalese.

Ito ay isasabay sa ka­ni­lang training camp na ga­gawin sa Do­ha, Qatar.

Natalo ang Azkals sa bi­sitang Myanmar, sa extra time, 2-3, sa finals ng 2014 PFF Peace Cup na inilaro sa Rizal Memorial Sports Com­plex.

Nabigo ang grupo na mai­depensa ang naturang kampeonato sa pangatlong sunod na pagkakataon.

Muling bubuksan ng Az­kals ang kanilang trai­ning camp sa Sabado bilang paghahanda sa kanilang pang-limang paghaharap ng Tigers sapul noong 2012.

Naglaban ang Azkals at ang Malaysia sa dalawang scoreless draws ngayong taon.

Ang una ay idinaos sa Sela­yang at ang ikalawa ay ginawa sa Cebu.

Noong 2012 ay nagtab­la ang mga laban ng Azkals at Tigers.

Sasagupain naman ng Azkals ang tropa ng Ne­pal sa ika­lawang sunod na pagkakataon ngayong ta­on.

Umiskor ang Azkals ng 3-0 panalo kontra sa Ne­palese noong Abril 11.

Sinusubukan ring ayu­sin ang mga friendly mat­ches ng Azkals laban sa mga Qatari clubs.

Posible ring makatapat ng Philippine team ang national squad ng Qatar.

Pinaghahandaan ng ko­ponan ang darating na 2014 AFF Suzuki Cup sa Nobyembre.

Nakapasok ang Azkals sa semifinal round ng dalawang edisyon ng naturang torneo.

Gusto ni head coach Tho­mas Dooley na ma­kakuha ng anim na interna­tional matches para sa pre­parasyon ng Azkals sa AFF Suzuki Cup.

Show comments