Tig-isang ginto kina Lavandia, Obiena

KITAKAMI CITY, Japan — Sumikwat sina Erlinda La­van­dia and Emerson Obiena ng dalawang gold me­dals para sa Philippine Masters Team sa 18th Asia Masters Ath­letics Cham­pionships dito.

Inangkin ni Lavandia ang gintong medalya sa kan­yang panalo sa wo­men’s 60-64-years old ja­velin throw event sa kanyang inihagis na 30.05 met­ro para talunin sina Ka­to Keiko (28.76m) at Ota To­kiko (26.44m) ng Ja­pan.

Hindi na niya sinubukang basagin ang record ni­ya no­ong 2013 edition sa Taipei.

Pinitas ni Obiena ang gin­tong medalya sa  men’s 45-years old pole vault event sa kanyang hagis na 4 met­ro para ungusan sina Higashino Makoto (3.8m) at Fu­kaya Eiji (3.2m) ng Ja­pan.

Kinuha naman ni John Lo­zada ang bronze me­dal sa 800m race sa bilis na 2: 18.08 sa ilalim nina Na­mekawa Yuji (2:08.48) at Koji Kashima (2:10.08) ng Japan.

Hindi naman itinuloy ni Elma Muros-Posadas ang kan­yang paglalaro matapos mag­karoon ng injury sa una niyang tangka sa long jump event.

Bukod sa dalawang gin­to, nakapitas din ang koponan ng dalawang pilak at tansong medalya.

Show comments