Baloria nanguna sa first round

MANILA, Philippines - Nakitang muli ang ba­ngis sa pagpuntos ni Per­pe­tual Help Altas guard Juneric Baloria matapos ang first round sa 90th NCAA men’s basketball.

Gumawa si Baloria ng 22.22 points per game ave­rage matapos ang siyam na laro para manaig sa ta­gisan nila ng scorer ng Jose Rizal Heavy Bombers na si Philip Paniamogan na may 18 points average.

Si Earl Scottie Thompson ay nasa ikaapat sa 17.33 puntos, habang si Ha­rold Arboleda ay naghahatid ng 14.11 puntos para sa ika-walong puwesto.

Si Thompson, guma­wa ng kauna-unang triple-double sa season na 15 points, 13 rebounds at 12 assists sa 73-65 panalo sa Emilio Aguinaldo College Gene­rals, ang all-around pla­yer ng Altas sa ibinibigay na 11 boards (5th), 5.56 assists (2nd) at 2.11 steals (2nd).

Nagpasikat din si Jio­va­ni Jalalon ng Arellano Chiefs da­hil una siya sa assists (6.00) at steals (3.00), habang ang mga imports na sina Noube Happi (12.56) at Ola Adeogun (2.25) ang nagdodo­mi­na sa rebounding at blocks.

Samantala, kinilala si Paniamogan bilang NCAA Press Corps-Accel Quantum Plus/3XVI Player of the Week matapos ang ka­hanga-hangang laro pa­ra sa panalo ng Heavy Bombers.

 

Show comments