‘Big 4’ buo pa; Serena, Li out na sa Wimbledon

LONDON--Nananatili pa rin ang “Big 4” na nanalo ng 35 sa 37 na Grand Slam singles titles sina--Novak Djokovic, Rafael Nadal, Andy Murray at Roger Federer - sa second week ng Wimbledon ay sinamahan sila ng bagong major winner na si Australian Open champion Stan Wawrinka.

Kabaligtaran naman ito sa women’s side kung saan kaagad nasibak si top-seeded at five-time champion Serena Williams sa All England Club sa Week 2 maliban sa patuloy niyang paglalaro sa doubles kasama ang kapatid na si Venus, isa pang five-time Wimbledon winner na talsik na rin sa singles.

Sa pagkakatalsik nina Serena at second-seeded Li Na, ito ang unang pagkakataon na walang top two women’s seeds sa fourth round ng Wimbledon.

Maglalaro naman sina Federer at Murray sa fourth round sa Martes laban sa kani-kanilang mga karibal.

Ayon kay Federer, natutuwa siyang buo pa rin ang Big Four sa fourth round.

“I came through the ranks where it was normal for top guys to have a bad Slam, have maybe two bad Slams from time to time, but it barely happens anymore,” sabi ni Federer.

Show comments