Ormilla sinibak si Gadi, pasok sa FDG Cup semis

MANILA, Philippines - Umiskor si R-Jay Ormilla ng 21-18, 11-21, 21-17 panalo laban kay Toby Gadi habang magaang na tinalo ni Kenneth Monterubio si Kevin Cudiamat, 21-11, 21-11, para makapasok sa semifinal round ng Open men’s singles ng FDG Cup Open and Invitational badminton tournament sa Powersmash Badminton Center sa Makati kahapon.

Bumangon ang 11th-ranked na si Ormilla mula sa second set na pag­ka­dapa sa third set at tapusin ang seventh-see­ded at kapwa PBA-Smash Pilipinas standout na nagbigay sa kanya ng puwesto sa finals kung saan makakaharap niya  si  top seed Dea Adirangga ng Indonesia, umiskor ng walkover na panalo kontra Malaysian Arif Ab Latif.

Pinatalsik naman ni Monterubio, seeded No. 14 ang No. 8 na si  Cudiamat para isaayos ang kanilang paghaharap ni No. 10 Ros Pedrosa, tinalo ang No. 12th na si Kevin Dalisay, 21-12, 21-15, sa semis ng two-weekend ranking tournament sanctioned ng Philippine Badminton Association at idinaraos bilang parangal  kay  Robinsons Land Corp. president Frederick D. Go.

Mainit din ang labanan sa final round ngayong araw sa Partners Cup, na nagtatampok sa mga empleyado at business partners ng RLC.

 

Show comments