Smart Infinity Triteam nakatapos sa Tabuelan race

MANILA, Philippines - Nagawang tapusin ng mga kasapi ng Smart Infinity TriTeam ang nilahukang Tabuelan 111K race sa Cebu kamakailan.

Ang Smart Infinity TriTeam ay isang koponan na binubuo ng mga empleyado ng nangunguna sa wireless services Smart Communications, Inc. (Smart).

Si Vangie Janea, Ben Silva, Neil Godinez, Jan Blando, Pompo Arroyo, Mark Sanchez at Javy Olives ay tumapos sa full distance na 2-km swim, 88-km bike at 21-km run habang sina Warren Tagud at Leopoldo Mojal ay nakatapos sa half distance race (1-km swim, 44-km bike at 10.5-km run).

Sa naabot ng mga kasapi ng Smart Infinity TriTeam, lalo nilang pinagtibay ang pagiging ‘most competitive” employee triathlon team sa bansa.

Isa lamang ang koponan sa 22 employee groups ng Smart na itinutulak ang mga empleyado na pangatawanan ang katagang ‘Live More’.

Show comments