Pananakit ng likod binalewala ni Nadal, wagi kay Mayer
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2014 - 12:00am

 PARIS--Tinalo ni Rafael Nadal si 65th-ranked Leo­nardo Mayer ng Argentina, 6-2, 7-5, 6-2, para sa kanyang ika-31 sunod na panalo sa French Open at umabante sa fourth round.

Tiniis ng eight-time champion ang kanyang sumasakit na likuran para talunin si Mayer.

Nakagawa ang No. 1-seeded na Spaniard ng 10 unforced errors--ang dalawa rito ay sa first set, tatlo sa second at lima sa third set.

Ang huling pagkakataon na nanalo si Nadal ng 31 sunod na laro ay noong 2009 sa Paris nang matalo siya sa fourth round kay Robin Soderling na kanyang isinisi sa kanyang injured knees.

Susunod na makakatapat ni Nadal ay si 83rd-ranked Dusan Lajovic ng Serbia, sinibak sa Jack Sock ng Amerika, 6-4, 7-5, 6-3.

Sa iba pang laro, humataw si No. 23 Gael Monfils ng 5-7, 6-2, 6-4, 0-6, 6-2 panalo kay No. 14 Fabio Fognini.

Lalabanan ni Monfils si Guillermo Garcia-Lopez ng Spain para sa isang quarterfinal berth.

 

DUSAN LAJOVIC FABIO FOGNINI FRENCH OPEN GAEL MONFILS GUILLERMO GARCIA-LOPEZ JACK SOCK MAYER NADAL RAFAEL NADAL ROBIN SODERLING
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with