Lady Bulldogs lumapit sa semis

MANILA, Philippines - Nagtala ng pitong digs ang nagbabalik na libero na si Jennylyn Reyes, habang si Jaja Santiago ay may 12 puntos sa pagsuot mu­li ng uniporme ng kopo­nan para tulungan ang nagdedepensang National University Lady Bulldogs sa mada­ling 25-9, 25-14, 25-18 panalo sa Arellano University Lady Chiefs sa pagsisimula kahapon ng Shakey’s V-League Season 11 First Con­ference quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.

May anim na excellent re­ceptions pa si Reyes na na­salang sa unang laro sa NU, habang ang nakatatandang kapatid ni Jaja na si Din­din ay may 12 puntos at ang Lady Bulldogs ay umangat sa 2-0 karta para mamuro sa semifinals seat sa Group I sa ligang inorga­nisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s

Ginamit nang husto ng NU ang angking height advantage nang kunin ang 39-19 bentahe sa attacks pe­ro nakatulong din ang 12-2 kalamangan sa service aces at sina Dindin at Ruby De Leon ay may tig-3 puntos.

Natabunan ang panalong ito nang panggugulat ng bisitang Davao Lady Agi­las sa UAAP champion na Ateneo Lady Eagles, 22-25, 25-18, 25-27, 25-18, 19-17, sa ikalawang laro sa ligang may ayuda ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Bumangon ang Lady Agi­las mula sa 8-12 iskor sa deciding set para makatabla ang Lady Eagles sa Group II sa 1-1 karta.

Ang kill ni Alyssa Valdez ang nagbigay ng match-point sa Ateneo,15-14, pero hindi bumigay ang Davao sa pagbibida ni Princess Joy Oliveros.

Ang kanyang atake ang nagbigay sa Lady Agilas ng 18-17 puntos na bentahe.

 

Show comments