Talk ‘N Text kumunekta sa semis

MANILA, Philippines - Hindi na binigyan ng pagkakataon ng Tropang Texters na makapuwersa ang Gin Kings ng ‘winner-take-all’ match.

Nagposte ang No. 1 Talk ‘N Text ng 97-84, panalo para patalsikin ang No. 8 Barangay Ginebra at angkinin ang unang semifinals berth sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi na nagamit ng Tropang Texters ag kanilang hawak na ‘twice-to-beat’ incentive kontra sa Gin Kings para umabante sa semifinal round kung saan nila makakatapat ang mananalo sa best-of-three series ng No. 4 Rain or Shine Elasto Pain­ters at No. 5

Samantala, tinalo ng No. 7 Air21 ang No. 2 San Miguel Beer, 92-79, para magkaroon ng tsansa sa semifinal sa unang laro.

Kailangan na lamang ipanalo ng Express ang laro sa Biyernes para walisin ang Beermen, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage, at umabante sa semifinals.

Sinimulan ng Air21 ang laro sa pamamagitan ng 10-1 bentahe bago ito palobohin sa 24-9 buhat sa basket ni Anthony kontra sa San Miguel Beer. (RC)

Air21 92 - Anthony 25, Witherspoon 18, Taulava 17, Poligrates 11, Yeo 10, Ramos 5, Borboran 2, Villanueva 2, Cardona 2, Burtscher 0, Camson 0.

San Miguel Beer 79 - Jones 34, Lutz 11, Santos 10, Ross 9, Fajardo 5, Mercado 5, Maierhofer 2, Lassiter 2, Hubalde 1, Duncil 0, Tubid 0, Kramer 0.

Quarterscores: 29-20; 45-34; 63-54; 92-79.

Talk ‘N Text  97 - Howell 41, De Ocampo 15, Castro 13, Fonacier 12, Alapag 5, Williams 4, Carey 4, Canaleta 3, Salamat 0, Seigle 0, Aban 0, Reyes Jai 0, Reyes Ryan 0, Baclao 0.

Ginebra 84 - Caguioa 19, Freeman 15, Tenorio 12, Urbiztondo 9, Ababou 7, Aguilar 7, Slaughter 6, Baracael 4, Helterbrand 2, Mamaril 2, Reyes 1, Ellis 0.

Quarterscores: 27-21, 42-34, 79-53, 97-84.

Show comments