Tinalo ang Pacers, Teague humataw sa Hawks

INDIANAPOLIS – Kumamada si guard Jeff Teague ng playoff career-high na 28 points at nag-ambag ng 25 si Paul Millsap para akayin ang eigth-seeded na Atlanta Hawks sa 101-93 panalo sa top-seeded na Pacers sa Game One ng kanilang first-round series.

Noong nakaraang taon ay sinibak ng Indiana ang Atlanta, 4-2, sa kanilang first-round series.

At isa si Teague sa mga miyembro ng naturang ko­po­nan ng Hawks.

Napalibutan ng mga bagong 3-point shooters, isang first-year coach at game plan na nagpahirap sa Pacers, panay salaksak sa basket ang ginawa ni Teague.

Tumapos siya na may 9-of-19 fieldgoals shooting at may 9-of-10 clip sa free throw line.

Sa Oklahoma City, ibinasura ng Memphis Grizzlies ang 25-point deficit hanggang humugot si Kevin Durant ng 13 sa kanyang 33 points sa fourth quarter para tulu­ngan ang Thunder sa 100-86 panalo.

Sa Los Angeles, umiskor si Klay Thompson ng 22 points para pangunahan ang Golden State Warriors sa 109-105 tagumpay laban sa Los Angeles Clippers.

Sa Toronto, nagsumite sina Deron Williams at Joe Johnson ng tig-24 points para igiya ang Brooklyn Nets sa 94-87 panalo kontra sa Raptors.

Show comments