Smart employees inspirasyon ang ‘Akyat’ ni Garduce

MANILA, Philippines - Nagsilbing inspirasyon ng mga empleyado ng Smart ang aklat ni ve-teran mountain climber Romeo Roberto “Romi” Garduce na “Akyat! A Filipino’s Journey to the Se­ven Summits”. Gina­wang halimbawa ang mga si­nuong niyang hamon bilang isang mountai­neer, hinikayat ni Garduce ang mga kawani ng telco na gawin ang lahat ng kanilang makakaya anuman ang kaharapin nilang pagsubok. Ang mga empleyado na nagdala ng kanilang kopya ng libro ay nakasama sa book-signing. Nakasama rin si Garduce sa Smart Mountaineering Club para sa lingguhan nitong “Stair Climb” kung saan nila inaak­yat ang hagdan ng Smart Tower mula sa ibaba hanggang sa 33rd floor bilang bahagi ng wellness campaign ng grupo. Kasama ni Garduce sa larawan si Smart Public Affairs Head Ramon R. Isberto.

Show comments