Blackwater magdaraos ng tryout

MANILA, Philippines - Magdaraos ang reigning PBA D-League Foundation Cup titlist na Blackwater Sports ng  ikalawang tryout bukas sa SGS gym sa Araneta Ave., sa Quezon City.

Ang naturang tryout ay pamamahalaan ni coach Leo Austria kasama sina assistant Pat Aquino at Johnson Martinez na itinakda sa ganap na  alas-10 ng umaga.

Ilang collegiate stars ang nakilahok sa unang tryout noong Miyerkules sa nasabing gym.

 Nabigong makapasok sa semis ng kasalukuyang  2014 Aspirant’s Cup, umaasa ang Elite ni  team owner Dioceldo Sy na makakakuha sila ng mahuhusay na players para p­alakasin ang kanilang pagtatanggol sa ka­nilang korona sa darating na Marso 18.

Nasa lineup na ng  Elite ang mga UAAP stars na sina Kevin Ferrer ng University of Santo Tomas at Jericho Cruz ng Adamson.

Sinabi ni Isaac na kailangan pa rin nilang palakasin ang kanilang hanay upang makasabay laban sa mga itinuturing na powerhouse na NLEX at Big Chill.

Show comments