MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng PhiÂlippine Sports Commission (PSC) na buhayin uli ang ‘godfather system’ para maibigay ang lahat ng pangangailangan ng Pambansang koponan na kakatawan sa Asian Games sa Incheon, Korea.
Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, miÂnamadali niya ang pagporma sa Pambansang delegasyon upang magkaroon siya ng pagkakaÂtaon na mailako ang mga makakasamang manlalaro sa mga negosyante na handang tumulong para sa palakasan ng bansa.
Isang General Assembly ang magaganap sa Enero 23 na dadaluhan ng mga National Sports Associations (NSAs) na kasali sa Asiad na gagawin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Ihahayag dito ang criteria na gagamitin para maÂkasama ang isang atleta at kasabay nito ay hihingiin din ng PSC sa mga NSAs ang pangalan ng atletang sa kanilang paniniwala ay pasok sa delegasÂyon.
“Makikita na agad ang mga puwedeng makapasa lalo na sa mga measurable sports. Kapag nakita na natin kung sino ang pupuwede, gagawin namin ang kanilang background, gaya kung saan sila nanalo, at ito ang ibibigay namin sa mga private sponsors,†pahayag ni Garcia.
Malakas ang paniniwala ng PSC head na may kakagat sa planong ito dahil hindi lamang pang-Asian Games magagamit ng atleta ang kanilang gagaÂwing pagsasanay kundi para na rin sa SEAG sa 2015 sa Singapore.
Ang ‘godfather system’ ay ginawa ng Pilipinas noong 2005 SEA Games sa bansa at nakita ang buti nito dahil nakuha ng bansa ang kauna-unahang overall title sa SEAG.
“Kung ano ang magiÂging tulong sa isang atleta galing sa private sector ay tatapatan namin sa PSC para mas marami silang training o competition exposures na makakatulong sa hanap na medalya sa Asian Games at sa SEA Games sa 2015,†wika pa ng PSC chair.