Atleta bumisita sa Las Farolas, Greenhills, Tiangge

MANILA, Philippines -  Nakakuha ng pahinga mula sa kani-kanilang event, bumisita ang mga atleta sa Las Farolas mu­seo ng river monsters at sa 21st Fiesta Fair Manila kamakailan.

Ang nasabing mga at­leta ay mula sa Philippine Basketball Association (PBA), PBA D-League, Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at manlalaro ng UAAP.

Nagtungo ang mga atleta, kasama ang ka­ni­lang mga pamilya, sa da­lawang lugar sa magkakahiwalay na okasyon.

Itinuring nila ang kanlang pagbisita na isang “mental relaxation” at pampaginhawa mula sa pagod at stress matapos ang isang buong araw na pag-eensayo at laban.

Sa Las Farolas sa Fron­tera Drive katabi ng Tiendesitas sa Ortigas Ave., Pasig City kung saan mayroong 50% discount sa entrance fee hanggang Pebrero 20, natuklasan nila ang hight sa 3,000 river monsters na galing sa iba’t ibang parte ng daigdig.

Mula sa Las Farolas, ang mga atleta ay tumuloy sa 21st Fiesta Fair Manila o mas kilala sa taguring Greenhills Shopping Center Tiangge kung saan naman sila namili ng kanilang mga sports attire at iba pang goods sa mababang halaga.

 

Show comments