Smart-PFF 2013 football tourney tagumpay

MANILA, Philippines - Matagumpay uli ang na­ging tambalan ng Phi­lippine Football Federation (PFF) at Smart Communications, Inc (Smart) sa idinaos na PFF-Smart National Club Championship na napagwagian ng Ceres-La Salle Football Club ng Negros Occidental.

Ito ang ikatlong sunod na taon na tumulong ang Smart sa PFF para maisulong ang kompetisyong kinatatampukan ng mga mahuhusay na clubs sa buong bansa.

Sa taong ito ay 45 football teams mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang naglaro at ang Ceres ay nanalo sa Global Football Club ng Leyte sa championship na ginawa sa Bacolod.

Ang titulo ng Ceres ay magreresulta sa posibilidad na katawanin ang Pilipinas sa 2014 Asian Football Confederation President’s Cup.

Show comments