San Beda magpapalakas sa semis

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan)

12 n.n. EAC vs SBC (women)

1:30 p.m. CSJL vs MIT (women)

 

MANILA, Philippines - Magtatapat ang San Be­da College at ang Emilio Agui­naldo College sa labanan ng mga koponang galing sa ka­biguan sa NCAA women’s volleyball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan.

 Lalabanan ng Lady Red Spikers ang Lady Generals, nasa isang three-game lo­sing skid, sa ganap na alas-12 ng tang­hali.

Katabla ng EAC sa ikaapat na puwesto ang San Beda at ang San Sebastian sa magkakatulad nilang 5-2 record.

Nagmula ang Lady Red Spikers sa 22-25, 25-22, 20-25, 25-27 kabiguan sa nagdedepensang University of Per­petual Help System Dalta Lady Altas noong Lunes..

Muling ibabandera ng San Beda sina Janine Marciano, Coline Malana at Mona Diolazo sa pagsagupa sa EAC pa­ra mapalakas ang tsansa sa semifinal round.

 

Show comments