Loyola Meralco Sparks babanggain ang Pachanga-Diliman FC sa UFL Cup Finals

MANILA, Philippines - Magkikita ang top seed Loyola Meralco Sparks at Pachanga-Diliman FC sa 2013 UFL Cup Finals na gagawin ngayong gabi sa Emperador Stadium.

Bago ito ay magtutuos muna ang Green Archers United Globe laban sa Air Force FC para sa ikatlong puwesto na sisimulan sa ganap na alas-5 ng hapon.

Ang dalawang laro ay mapapanood ng live sa Aksyon TV sa pamamagitan ng Channel 41 sa Metro Manila, Channel 29 sa Metro Cebu at Metro Davao; Channel 59 sa SkyCable; Channel 78 sa Destiny Cable at Channel 1 sa Cignal Digital TV.

Napapaboran ang Sparks dahil nasa kanila si Phil Younghusband na mayroon ng 20 goals sa torneo.

Pero kailangan niya ng tulong ng ibang kasama­han tulad nina Joaco Canas, Samuel Bonney at goal keeper Baba Sampana para maisantabi ang ha­mon ng Pachanga-Diliman na pinalakas ng pagdating ni National team player Nate Burkey at nina Davide Cortina at Alu Kigbu.

Tinalo ng Sparks ang Cimarron para makapasok sa quarterfinals bago pinatalsik ang Global FC. Kinalaban ng koponan ang Green Archers na hindi umubra sa semifinals.

Sa kabilang banda, ang Pachanga ay nanalo sa Forza para umabante saquarterfinals na kung saan pinagpahinga nila ang nagdedepensang kampeon Stallion FC. Sa semis ay tinalo nila ang Air Force.

Show comments