Rios nawala sa porma dahil sa volume punching ni Pacman

MACAU--Hindi kapan-tay ni Brandon Rios si Manny Pacquiao base sa dominanteng panalo ng Filipino fighter.

Ayon sa Compubox na naglilista ng mga suntok ng mga boksingero sa kabuuan ng laban, ang maraming bilang ng pina­kawalang suntok ni Pacquiao ang naglimita sa pagbitaw ni Rios.

Nagpatama si Pacquiao ng average na 23 sa kanyang 66 shots per round kumpara sa 12-of-42 per round ni Rios.

Sa nakaraan niyang anim na laban, nagtala si Rios ng average na 25 per 74 punches per canto.

Sa post-fight confe­rence, sinabi ni Rios na ang bilis ni Pacquiao ang naging dahilan ng kanyang pagkatalo.

Sa bawat round ay nag­papakawala ng mga suntok si Pacquiao kay Rios at minsan ding lumalayo at yumayakap kapag kailangan.

Sa sixth round ay nagkaroon ng putok sa kanyang kaliwang talukap si Rios na nagtulak sa kanya para dumepensa.

Sa pagtunog ng final bell, nakapagpatama si Pacquiao ng 281 sa kanyang pinakawalang 790 punches para sa 36 percent connect rate.

Si Rios ay naglista naman ng 138 out of 502 blows (27 percent).

Show comments