Salvador, Malibiran nanilat sa PBaRS meet

MANILA, Philippines - Bumangon si Shane Salvador mula sa pagkatalo sa opening set para sorpresahin si seventh seed Nina Zamora, 11-21, 21-9, 21-13, sa Under-19 class sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa Powersmash sa Makati City kahapon.

Gumanda ang laro ni Salvador at inatake ang depensa ni Zamora sa huling dalawang sets para pumasok sa third round.

Mabigat ang nasabing grupo dahil naririyan ang nagdedepensang kampeon na si Bianca Carlos, ang number 2 na si Patrisha Malibiran at ang subok ng si Malvinne Ann Alcala.

Si Edrickson  Malibiran ay sinibak si fifth seed Paolo Santos sa boys’ division, 18-21,21-18, 25-23, sa  isa pang upset sa ligang may basbas ng Philippine Badminton Association (PBA).

Ang top seed na si Clarence Filart, Felix Camillo, Frell Gabuelo, Joshua Monterubio, Jan Sinfuego, Elijah Boac, Sean Chan, Carl Clemente, Alexis Geverjuan, Carlo Remo, Jerickson Oba-ob, Mark Alcala, Edgard Reyes, Lorenzo Leonardo at Robine Sola ay umabante rin.

Binuksan naman ni Carlos ang pagdepensa sa isa sa dalawang titulo sa kompetisyong may suporta ng POC at PSC, PBA at ng opisyal equipment Victor, eksklusibong tagamapahagi sa bansa ng PCOME Industrial Sale, Inc., sa pamamagitan ng 21-15, 21-10, panalo kay Jeline Masongsong habang si Malibiran ay nanaig kay Kim Jarabelo, 21-6, 21-3, at si Alcala ay nangibabaw kay Andrea Dolendo, 21-3, 21-9.

Show comments