Harden, Howard nagtulong sa panalo ng Rockets vs Spurs

SAN ANTONIO-- Kumolekta si guard James Harden ng 22 points at 11 assists, habang humakot naman si Dwight Howard ng 15 points at 16 rebounds para pangunahan ang Houston Rockets sa 109-92 paggiba sa San Antonio Spurs sa kanilang preseason game.

Nag-ambag naman sina Omri Casspi at Chandler Parsons ng tig-16 points kasunod ang 11 ni Jeremy Lin para sa Rockets.

Tatapusin ng Houston ang kanilang preseason schedule sa Biyernes sa Memphis bago buksan ang season laban sa Charlotte sa Miyerkules.

Umiskor si Aron Baynes ng 16 points kasunod ang tig-12 nina Danny Green at Marco Belinelli para sa San Antonio.

Si Tim Duncan ay naglista ng 6 points at 8 rebounds sa loob ng 23 minuto, samantalang naglista si Tony Parker ng 8 points at 4 assists.

Sina Boris Diaw at Belinelli ang pumalit kina Kawhi Leonard at Green. Hindi pinaglaro sina Leonard at Manu Ginobili bilang paghahanda sa season opener ng Spurs kontra sa Memphis.

Show comments