^

PSN Palaro

Bolts, Elasto Painters kakalas para sa solo 2nd

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ma ll of Asia Arena, Pasay City)

5:15 p.m. Meralco

vs Rain or Shine

7:30 p.m. Talk ‘N Text vs Alaska

 

MANILA, Philippines - Sa isang maikling komperensya, alam ni Meralco head coach Ryan Gregorio ang kahalagahan ng bawat laro.

“In a conference like this you can’t let your guards down. We have to keep on searching, clawing and you will be rewarded,” wika ni Gregorio matapos ang 84-74 panalo ng Bolts laban sa Alaska Aces noong  Martes. “We need to keep on clim­bing the ladder of success.”

Asam ang kanilang ikatlong sunod na panalo, lalabanan ng Meralco ang nagdedepensang Rain or Shine ngayong alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ikalawang laro sa alas-7:30 ng gabi ay magtatagpo naman ang Talk ‘N Text at ang Alaska.

Nagmula ang Elasto Painters sa 109-95 panalo kontra sa Air21 Express noong Sabado na tumapos sa kanilang two-game lo­sing skid.

“Winning means getting back into contention. Mala­king bagay itong panalo sa amin especially in trying to arrest our two-game skid,”  wika ni Rain or Shine coach Yeng Guiao.

Sa ikalawang laro, puntirya naman ng Tropang Texters na maduplika angkanilang 102-95 panalo sa Batang Pier noong Set­yembre 1 sa pagsagupa sa Aces.

Sa nasabing panalo ng Talk ‘N Text ay nagtumpok sina Gilas Pilipinas members Larry Fonacier, Jayson Castro at Ranidel de Ocampo ng pinagsamang 42 points.

“At least our defense has been a little bit better than in our first two games,” ani coach Norman Black sa depensa ng kanyang Tropang Texters. “I would like us to get better at it as the conference goes on.”

Itatapat ng Talk ‘N Text si balik-import Tony Mitchell kontra kay Wendell Mc­Kines ng Alaska, nagkampeon sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup.

ALASKA ACES

ASIA ARENA

BATANG PIER

ELASTO PAINTERS

GILAS PILIPINAS

MERALCO

N TEXT

PASAY CITY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with