Perasol sinuspindi rin

MANILA, Philippines - Pinatawan si Ateneo Blue Eagles head coach Bo Perasol ng isang one-game suspension dahil sa pagkompronta sa isang La Salle Green Archers fan sa kanilang 64-66 kabiguan sa 76th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo.

Ito ang inihayag kaha­pon ng UAAP Board of Trustees matapos ang isang pulong kung saan pinagbawalan naman ang Green Archers’ fan na si JJ Atayde na manood sa kabuuan ng 76th UAAP season.

“We decided to give Pe­rasol a one-game suspension effective immediately,” wika ni UAAP secretary-treasurer Malou Isip. “JJ Atayde banned for the rest of the season.”

Matapos ang kabiguan ng Blue Eagles sa Green Archers noong Linggo ay sinugod ni Perasol si Atayde dahil sa sinasabi niyang pagmumura at pambubuska sa kanya habang papalabas ng basketball court.

Noong Lunes ay hu­mingi  ng paumanhin si Pe­r­asol sa Ateneo community at maging kay Atayde.

Hindi makikita sa bench ng Ateneo si Perasol sa kanilang laro kontra sa UE sa Linggo.

 

Show comments