Lomotos pumapadyak pa

MANILA, Philippines - Nakasama si Ronald Lomotos sa 80-kataong siklista na magkakasamang tumawid sa lead pack sa Stage Three ng Tour de Borneo 2013 sa Sabah, Malaysia noong Martes.

Ibinabandera ang LBC-MVP Sports Foundation Cycling Pilipinas, si Lomo­tos at ang iba pang nakasabayan ay naorasan ng tatlong oras, 20 minuto at 39 segundo nang tinahak ang 132.6 kilometrong Penampang-Kota Kinabalu karera.

Sa magandang ipina­kita, si Lomotos ay may kabuuang tiyempo na sampung oras, 44 minuto at 35 segundo upang malagay sa ikatlong puwesto.

Si Mehdi Sohrabi ng TPT ang nangunguna sa overall race sa 10:44:27 habang si Peter Va der Ploeg ng TCO ang nasa ika­lawang puwesto sa 10:44.30  oras.

Ang kasamahan ni Lomotos na si Rustum Lim ay gumawa rin ng marka nang manalo sa isa sa dalawang intermediate sprint ng stage.

Sa pangkalahatan, si Lim ay nasa ikawalong puwesto at naghahabol ng 11 segundo kay Sohrabi sa 10:44:38 tiyempo.

Ang iba pang Filipino cy­clists na nasa top ten sa overall ay sina Mark Galedo ng 7/Eleven-Roadbike Phls, at Ronald Oranza ng LBC-MVPSF na nasa ikapito at sampung puwesto sa 10:44:37 at 10:44:38 oras.

Show comments