PhilHealth, PNP maghihiwalay

Laro Ngayon

(Pasig Sports Center, Pasig City)

2:30 p.m. PNP vs PhilHealth

4:00 p.m. Congress-LGU vs MMDA

5:30 p.m. Judiciary vs AFP

 

MANILA, Philippines - Magpapatibayan sa itaas ang Philippine National Police (PNP) at PhilHealth sa pagpapatuloy ng 1st UNTV Cup ngayon sa Pasig Sports Center sa Pasig City.

Sa ganap na alas-2:30 ng hapon itinakda ang bakbakan ng dalawang kopo­nan na hindi pa nakakatikim ng pagkatalo matapos ang dalawang laro.

Galing ang PNP sa dikitang 72-69 panalo sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) habang ang PhilHealth ay dinurog ang Congress-LGU, 98-73, noong nakaraang Linggo.

Ang papalarin ay mananatiling walang talo sa pitong koponang liga para tumibay ang paghahabol sa dalawang awtomatikong puwesto sa Final Four.

Samantala, babangon ang Congress-LGU sa hu­ling pagkatalo sa pagbangga sa walang panalong Metro Manila Development Authority (MMDA) sa ganap na alas-4 ng hapon habang mag-uunahan ang Judiciary at AFP sa pa­ngalawang panalo sa tatlong laro sa tipanang mangyayari dakong alas-5:30.

 

Show comments