^

PSN Palaro

Go, Go, Gilas

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Kung meron mang magandang pangyayari sa sports sa ngayon, ito ay ang pagpapakitang-gilas ng Philippine National basketball team na  Gilas Pilipinas.

 Hindi lamang ang telebisyon, o ang diyaryo ang na­domina ng Gilas Pilipinas, maging ang social media sites tulad ng facebook  at  Twitter ay talaga namang umuusok sa mga usap-usapan tungkol sa Pambansang koponan.

 At kahapon nga nag-trending na naman ang team Gilas Pilipinas nang ipagkaloob sa Qatar ang pag­katalo nito sa kasalukuyang FIBA-Asia Men’s Basketball Championship games sa  MOA  Arena sa Pa­say City.

Sabi nga parang isang bagong langis na makina ang Philippine team nang pabagsakin ang Qatar. Ito ang unang pagkatalo ng Qatar sa kompetisyon. At ang pinaka-nakakagilalas dito, nanalo ang Philippine team kahit pa may iniindang injuiry si Gilas center Marcus Douthit.

Maganda ang naging panimula ng Gilas na lumamang pa ng siyam na puntos sa first quarter, bago na­kapag-adjust ang Qatar at naitabla ang laban.  Ilang ulit pang lumamang ang Gilas na nagpapakita lamang na kaya nitong i-adjust at  maging flexible depende sa idinidikta ng tempo ng laro.

Isa pang nakita nating factor ay ang walang  puknat na suporta ng Philippine basketball fans sa Gilas Pilipinas.  Hindi rin nagpahuli ang Gilas Pilipinas sa pagpapakawala ng rumaragasang three pointers  na ilang ulit na nag-overtake sa tinatangka sanang pagpiglas ng Qatar.

At siyempre pa natuto rin ang Gilas sa kanilang nakakadismayang pagkabigo sa Chinese Taipei, nagawang maipreserba ng koponan ang kanilang kalamangan hanggang sa huling minuto ng laban.

Nagawa pa ngang magpa-pogi ni Gilas center Japeth Aguilar sa endgame nang ito ay mag-dunk na sumelyo ng huling iskor sa 80-70 para sa Gilas. Si Douthit ay tumapos ng  19 points, 14 rebounds at  four assists. Si  Aguilar na galing sa bench ay may  14 points at pitong boards, nagmintis lamang siya ng isa sa anim niyang field goal attempts, habang si Jeff Chan ay umiskor ng 12, siyam ay mula sa three-pointers.

Damang-dama sa laban ang pangibabaw ang po­kus ng koponan at ang mala-pagkit  na depensa ng  Gilas Pilipinas .

Dahil dito, nakasiguro na ang Pilipinas ng quarterfinals date kontra sa Kazakhstan sa quarterfinals.

At  inaasahang mas matindi ang magiging laban ng koponan dahil sa inaasam na tiket para sa FIBA World na gaganapin sa Spain.

ASIA MEN

BASKETBALL CHAMPIONSHIP

CHINESE TAIPEI

GILAS

GILAS PILIPINAS

JAPETH AGUILAR

JEFF CHAN

MARCUS DOUTHIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with