Estrada kabado kay Melindo sa kanilang laban sa Hulyo 27

MANILA, Philippines - Aminado si Mexican world flyweight champion Juan Francisco Estrada na mahihirapan siya kay Fi­lipino challenger Milan Me­lindo sa kanilang banggaan sa Hulyo 27 sa Cotai Are­na ng Venetian Casino and Resort.

Ayon kay Estrada, ga­gawin niya ang lahat pa­­ra maibalik sa Mexico ang kanyang mga bitbit na World Boxing Organi­za­tion (WBO) at World Bo­­xing Association (WBA) fly­weight titles.

“We will bring our two belts back to Mexico. I share my titles with my team and with the people of Mexico who support me,” wi­ka ni Estrada.

Si Estrada ang umagaw sa dating suot na WBO crown ni  Brian ‘Hawaiian Punch’ Viloria sa kanilang unification fight noong Abril na idinaos sa Macau.

Lumaban si Melindo sa undercard ng Viloria-Es­trada fight kung saan niya pinatumba si Indonesian bo­xer Tommy Seran sa fourth round.

Nagtungo na ang grupo Me­lindo sa Macau, China para sa kanyang paghaha­mon kay Estrada.

Pipilitin ni Melindo (29-0-0, 12 KOs) na maagaw kay Estrada (24-2, 18  KOs) ang mga hawak nitong WBO at WBA flyweight belts.

Layunin ni Melindo na maiganti si Viloria kasabay ang pag-agaw kay Estrada ng mga suot nitong WBO at WBA titles.

Kumpiyansa naman si Estrada na maipagtatanggol niya ang kanyang mga titulo.

Sakaling manalo, si Es­­trada ay ita­tapat siya ng kanyang pro­moter kay da­­ting world cham­pion Hernan ‘Tyson’ Márquez.

Show comments