Backpacks bawal sa parada ng Heat

MIAMI -- Magsasagawa ang Miami Heat ng kanilang championship parade sa Lunes, at sinabi ng mga city officials na pagbabawalan nila ang mga fans na magdala ng backpacks.

Humigit-kumulang sa 400,000 fans ang nakipagdiwang noong nakaraang season matapos makamit ng Heat ang 2012 title.

Matapos ang championship parade, magdaraos naman ng isang event para sa season-ticket holders sa home arena kung saan magtatapos ang parada.

Ilang major events ang nagbawal sa mga fans na magdala ng backpacks o bags matapos ang nangyaring pagsabog sa Boston Marathon noong Abril.

Ang ilan sa mga events na ito ay ang Penn Relays at Triple Crown races.

 

 

Show comments