2 pang NBA stars darating sa Manila

MANILA, Philippines - Magtutungo sa Pilipinas sina NBA stars James Har­den ng Houston Rockets at Eric Gordon para sa NBA 3X na inihahandog ng Sprite at idaraos sa SM Mall of Asia sa Pasay City sa Hulyo 26-28, ayon sa NBA.com Phl.

Nauna nang inihayag ng Adidas Basketball ang pagbisita sa bansa ni Chicago Bulls star Derrick Rose sa Setyembre 14-16 bilang bahagi ng D Rose Tour kung saan siya maglalaro at magsasagawa ng meet and greet sa kanyang mga fans at pati na sa media.

Ito ang ikalawang pagkakataon na dadalaw sina Harden at Rose sa bansa matapos mapasama sa star-studded na NBA squad na tinampukan nina Kobe Bryant, Chris Paul at Kevin Durant.

Dalawang exhibition games ang kanilang ginawa sa naturang Smart-Ultimate All-Star Weekend noong 2011.

Ayon sa NBA organizers, magsasagawa sina Har­den at Gordon ng ilang clinics kasabay nag pagpo-promote ng NBA brand.

Magbabalik si Harden sa Manila sa Oktubre 10 bilang bahagi ng Rockets team na lalaban sa Indiana Pacers sa isang NBA pre-season game na tinawag na Global Games Philippines 2013 sa MOA Arena sa Pasay City.

Show comments