Bualee madaling makakapag-adjust sa laro ng Ateneo -- Gorayeb

MANILA, Philippines - Konting adjustment la­mang ang nakikita ni Ate­neo coach Roger Gorayeb sa pagdating ni Thai import Jeng Bualee para sa nagdedepensang kampeon sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference.

Kinuha ng Lady Eagles si Bualee matapos ma­pa­talsik sa nilaruang San Se­bastian Lady Stags upang ma­­dagdagan ang ngipin ng Ateneo.

“Mayroon pa ring adjustment dahil bago siya pe­ro hindi naman kalakihan,” wika ni Gorayeb.

May ilang araw na ring nag­sasanay si Bualee sa koponan at tiyak na ma­gagamayan na niya ang istilo ng laro ng bagong ko­ponan na haharapin ang six-time champion UST sa Final Four.

Si Bualee ang lea­ding scorer ng liga mula sa kanyang 158 puntos mula sa 149 kills, 3 blocks at 6 ser­vice aces.

Patatatagin ng Thai import ang opensa ng Lady Eagles na dating inaasa sa guest player na si Rachel Ann Daquis bukod pa kina Alyssa Valdez at Fille Cainglet.

Bukas sisimulan ang Fi­nal Four na paglalabanan sa best-of-three series at ito ay mapapanood sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bukod sa Ateneo-UST game, ang isa pang mainit na tagisan ay sa labanan ng National University at Adamson.

Ang Lady Bulldogs ang siyang ipinalalagay na paborito sa titulo dahil hindi pa sila natatalo matapos ang anim na laro at kasama sa kanilang tinalo ang Lady Eagles

Pero sa pagdating ni Bua­lee, maaaring nabawi ng koponan ang favorite’s bil­ling na dating nakatoka sa Ateneo bago yumukod sa mas matatangkad na NU.

Show comments