FEU sinuwag ang Arellano

MANILA, Philippines - Humugot ng mahalagang puntos ang FEU kina Mike Tolomia, RR Garcia at Gryann Mendoza para ilusot ang 81-79 panalo sa Arellano University sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 18 puntos si Tolomia kasama ang mahalagang tres para maitabla ang laro sa 76-all bago ipinagkatiwala sa mga kakamping sina Garcia at Mendoza at ang Tamaraws ay umangat sa 2-2 baraha.

Si Garcia na nakasama sa national team na  nanalo sa bisitang Shanghai Sharks noong Lunes ay may 11 puntos upang suportahan ang 13 na ginawa ni Russel Escoto.

Kinuha naman ng Perpetual Help at St. Benilde ang kanilang unang panalo nang manalo laban sa magkaibang katunggali.

Tumapos si Noosa Omorogbe ng 28 puntos upang igiya ang Altas sa 84-59 panalo laban sa Jose Rizal University at  tinalo naman ng Blazers ang UP, 74-49.

Show comments