Benedicto dinomina ang K-Swiss age group triathlon

MANILA, Philippines - Memorable ang pag­lahok ni dating national duathlon champion August Benedicto sa age group competition sa 2013 K-Swiss Subic Bay ASTC Asian Triathlon Champion-ships nang lumabas bilang pinakamabilis sa mga sumali kahapon sa Subic Bay Freeport.

Naorasan si Benedicto sa 1.5-k swim, 40-k bike at 10-k run ng dalawang oras, 13 minuto at 40 segundo para talunin ang tubong Camarines Sur na si Benjamin Rana Jr. (2:16:47) AT Chi Wai Kuok ng Macao (2:18:37) at kunin ang gintong medalya sa men’s 25-29 division.

Ang 2005 Manila at 2007 Thailand SEA Games silver medalists na si Sandra Araullo-Gonzales ay kampeon sa female 30-34 (2:36.18), habang sina 50-anyos Frank Lacson (2:38:27), George Vilog (2:22:26) at Art Compra (2:17:01) ay naghari sa male 50-55, 35-39 at 45-49 age groups.

Umabot sa 630 ang lumahok sa tatlong araw na karera na na inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP).

Show comments